2 Mga Taga-Corinto 11

Maaaring hindi ako magaling magsalita ngunit hindi naman nagkukulang ng kaalaman. At iyan ay naipakita namin sa inyo sa lahat ng aming pagtuturo.

2 Corinthians 11:6 (UKJV) But though I be rude in speech, yet not in knowledge; but we have been thoroughly made manifest among you in all things.

4Sapagkat madali kayong napapaniwala ng kahit sinong dumarating diyan na nangangaral ng ibang Hesus kaysa sa aming ipinangaral sa inyo. At tinatanggap ninyo ang ibang uri ng espiritu kaysa sa Espiritung tinanggap na ninyo. Pinapakinggan din ninyo ang magandang balita na iba kaysa sa pinaniwalaan na ninyo.

5Sa tingin ko, hindi naman ako nahuhuli sa mga “magagaling” na mga apostol na ʼyan.

6Maaaring hindi ako magaling magsalita ngunit hindi naman nagkukulang ng kaalaman. At iyan ay naipakita namin sa inyo sa lahat ng aming pagtuturo.

7Hindi ako humingi ng bayad nang ipangaral ko sa inyo ang Magandang Balita mula sa Diyos, kundi nagtrabaho ako upang matulungan ko kayo sa inyong buhay espirituwal. Masamá ba ang ginawa kong ito?

8Tumanggap ako ng tulong mula sa ibang iglesya noong akoʼy naglilingkod sa inyo. Parang ninakawan ko sila, matulungan lamang kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.