6Maaaring hindi ako magaling magsalita ngunit hindi naman nagkukulang ng kaalaman. At iyan ay naipakita namin sa inyo sa lahat ng aming pagtuturo.
7Hindi ako humingi ng bayad nang ipangaral ko sa inyo ang Magandang Balita mula sa Diyos, kundi nagtrabaho ako upang matulungan ko kayo sa inyong buhay espirituwal. Masamá ba ang ginawa kong ito?
8Tumanggap ako ng tulong mula sa ibang iglesya noong akoʼy naglilingkod sa inyo. Parang ninakawan ko sila, matulungan lamang kayo.
9At noong kinapos ako sa aking mga pangangailangan habang kasama ninyo, hindi ako naging pabigat kaninuman sa inyo. Ang ating mga kapatid na dumating mula sa Macedonia ang nagbigay ng aking mga pangangailangan. Iniwasan kong maging pabigat sa inyo at iyan ang palagi kong gagawin.
10Hindi ako titigil na ipagmamalaki ito sa lahat ng lugar sa Acaya. Totoo ang sinasabi kong ito dahil nasa akin ang katotohanan ni Kristo.