2 Mga Taga-Corinto 11

Hindi ako titigil na ipagmamalaki ito sa lahat ng lugar sa Acaya. Totoo ang sinasabi kong ito dahil nasa akin ang katotohanan ni Kristo.

2 Corinthians 11:10 (UKJV) As the truth of Christ is in me, no man shall stop me of this boasting in the regions of Achaia.

8Tumanggap ako ng tulong mula sa ibang iglesya noong akoʼy naglilingkod sa inyo. Parang ninakawan ko sila, matulungan lamang kayo.

9At noong kinapos ako sa aking mga pangangailangan habang kasama ninyo, hindi ako naging pabigat kaninuman sa inyo. Ang ating mga kapatid na dumating mula sa Macedonia ang nagbigay ng aking mga pangangailangan. Iniwasan kong maging pabigat sa inyo at iyan ang palagi kong gagawin.

10Hindi ako titigil na ipagmamalaki ito sa lahat ng lugar sa Acaya. Totoo ang sinasabi kong ito dahil nasa akin ang katotohanan ni Kristo.

11Bakit? Dahil ba hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos na mahal ko kayo!

12Ngunit patuloy kong paninindigan ang sinasabi ko ngayon na hindi ako hihingi ng tulong sa inyo, upang hindi masabi ng mga nagbabalak maging apostol na silaʼy katulad namin kung maglingkod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.