2 Mga Taga-Corinto 11

Ngunit patuloy kong paninindigan ang sinasabi ko ngayon na hindi ako hihingi ng tulong sa inyo, upang hindi masabi ng mga nagbabalak maging apostol na silaʼy katulad namin kung maglingkod.

2 Corinthians 11:12 (UKJV) But what I do, that I will do, that I may cut off occasion from them which desire occasion; that wherein they glory, they may be found even as we.

10Hindi ako titigil na ipagmamalaki ito sa lahat ng lugar sa Acaya. Totoo ang sinasabi kong ito dahil nasa akin ang katotohanan ni Kristo.

11Bakit? Dahil ba hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos na mahal ko kayo!

12Ngunit patuloy kong paninindigan ang sinasabi ko ngayon na hindi ako hihingi ng tulong sa inyo, upang hindi masabi ng mga nagbabalak maging apostol na silaʼy katulad namin kung maglingkod.

13Sapagkat ang mga taong iyan ay hindi naman mga totoong apostol, kundi mga manlilinlang at nagpapanggap lang na mga apostol ni Kristo.

14At hindi naman iyan nakapagtataka, dahil maging si Satanas ay nagpapanggap bilang anghel ng Diyos na nagbibigay-liwanag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.