11Bakit? Dahil ba hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos na mahal ko kayo!
12Ngunit patuloy kong paninindigan ang sinasabi ko ngayon na hindi ako hihingi ng tulong sa inyo, upang hindi masabi ng mga nagbabalak maging apostol na silaʼy katulad namin kung maglingkod.
13Sapagkat ang mga taong iyan ay hindi naman mga totoong apostol, kundi mga manlilinlang at nagpapanggap lang na mga apostol ni Kristo.
14At hindi naman iyan nakapagtataka, dahil maging si Satanas ay nagpapanggap bilang anghel ng Diyos na nagbibigay-liwanag.
15Kaya hindi rin nakapagtatakang ang kanyang mga alagad ay magkunwari ding mga alagad ng katuwiran. Ang kahihinatnan nila sa bandang huli ay parusang ayon sa kanilang mga gawa.