2 Mga Taga-Corinto 11

Kaya hindi rin nakapagtatakang ang kanyang mga alagad ay magkunwari ding mga alagad ng katuwiran. Ang kahihinatnan nila sa bandang huli ay parusang ayon sa kanilang mga gawa.

2 Corinthians 11:15 (UKJV) Therefore it is no great thing if his ministers also be transformed as the ministers of righteousness; whose end shall be according to their works.

13Sapagkat ang mga taong iyan ay hindi naman mga totoong apostol, kundi mga manlilinlang at nagpapanggap lang na mga apostol ni Kristo.

14At hindi naman iyan nakapagtataka, dahil maging si Satanas ay nagpapanggap bilang anghel ng Diyos na nagbibigay-liwanag.

15Kaya hindi rin nakapagtatakang ang kanyang mga alagad ay magkunwari ding mga alagad ng katuwiran. Ang kahihinatnan nila sa bandang huli ay parusang ayon sa kanilang mga gawa.

16Inuulit ko, huwag ninyong isiping isa akong hangal. Ngunit kung ganyan ang tingin ninyo sa akin, hindi na bale, basta hayaan ninyo akong magmalaki nang kahit kaunti.

17Kung sa bagay, kung ipagmamalaki ko ang aking sarili, hindi ito galing sa Panginoon, at para akong hangal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.