1Napilitan akong magmalaki kahit na alam kong wala akong mapapala rito. Sasabihin ko sa inyo ngayon ang mga ipinahayag at ipinakita sa akin ng Panginoon.
2Ako ay dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Sumasampalataya na ako kay Kristo noon. Hindi ko matiyak kung nasa katawan ba ako o nasa labas ng katawan, ang Diyos lang ang nakakaalam.
3Ang alam ko lang, kahit hindi ko matiyak kung nasa katawan ba ako o nasa labas ng katawan, ang Diyos lang ang nakakaalam,