2 Mga Taga-Corinto 12

Ako ay dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Sumasampalataya na ako kay Kristo noon. Hindi ko matiyak kung nasa katawan ba ako o nasa labas ng katawan, ang Diyos lang ang nakakaalam.

2 Corinthians 12:2 (UKJV) I knew a man in Christ above fourteen years ago, (whether in the body, I cannot tell; or whether out of the body, I cannot tell: God knows;) such an one caught up to the third heaven.

1Napilitan akong magmalaki kahit na alam kong wala akong mapapala rito. Sasabihin ko sa inyo ngayon ang mga ipinahayag at ipinakita sa akin ng Panginoon.

2Ako ay dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Sumasampalataya na ako kay Kristo noon. Hindi ko matiyak kung nasa katawan ba ako o nasa labas ng katawan, ang Diyos lang ang nakakaalam.

3Ang alam ko lang, kahit hindi ko matiyak kung nasa katawan ba ako o nasa labas ng katawan, ang Diyos lang ang nakakaalam,

4nakarating ako sa Paraiso, at narinig ko roon ang mga kamangha-manghang bagay na hindi kayang ipaliwanag at hindi dapat sabihin kahit kanino.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.