2Ako ay dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Sumasampalataya na ako kay Kristo noon. Hindi ko matiyak kung nasa katawan ba ako o nasa labas ng katawan, ang Diyos lang ang nakakaalam.
3Ang alam ko lang, kahit hindi ko matiyak kung nasa katawan ba ako o nasa labas ng katawan, ang Diyos lang ang nakakaalam,
4nakarating ako sa Paraiso, at narinig ko roon ang mga kamangha-manghang bagay na hindi kayang ipaliwanag at hindi dapat sabihin kahit kanino.
5Maipagmamalaki ko ang karanasan kong iyon. Ngunit kung tungkol sa aking sarili, wala akong maipagmamalaki maliban sa aking mga kahinaan.
6At kung magmamalaki man ako, hindi ako magmimistulang hangal, dahil totoo naman ang aking sasabihin. Ngunit pinipigilan ko ang aking sarili dahil baka maging labis ang pagtingin ng ilan sa akin kaysa sa nakikita nila sa aking pamumuhay.