7Para hindi ako maging mayabang dahil sa mga kamangha-manghang ipinakita ng Diyos sa akin, binigyan ako ng isang kapansanan sa katawan. Hinayaan ng Diyos na pahirapan ako ni Satanas sa aking kapansanan upang hindi ako maging mayabang.
8Tatlong beses akong nakiusap sa Panginoon na alisin ito sa akin.
9Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat ang biyaya ko para sa ʼyo sapagkat ang kapangyarihan koʼy nakikita sa ʼyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay palagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Kristo.
10Dahil dito, nagagalak ako sa kabila ng aking kahinaan, mga panlalait, mga pasakit, pang-uusig, at sa mga paghihirap alang-alang kay Kristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Diyos.
11Nagmukha na akong hangal, ngunit kayo na rin ang nagtulak sa akin na maging ganito. Dapat sanaʼy pinuri ninyo ako, dahil hindi naman ako nahuhuli sa mga “magagaling” na mga apostol na ʼyan, kahit na wala akong halaga.