2 Mga Taga-Corinto 12

Nagmukha na akong hangal, ngunit kayo na rin ang nagtulak sa akin na maging ganito. Dapat sanaʼy pinuri ninyo ako, dahil hindi naman ako nahuhuli sa mga “magagaling” na mga apostol na ʼyan, kahit na wala akong halaga.

2 Corinthians 12:11 (UKJV) I am become a fool in glorying; all of you have compelled me: for I ought to have been commended of you: for in nothing am I behind the very chiefest apostles, though I be nothing.

9Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat ang biyaya ko para sa ʼyo sapagkat ang kapangyarihan koʼy nakikita sa ʼyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay palagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Kristo.

10Dahil dito, nagagalak ako sa kabila ng aking kahinaan, mga panlalait, mga pasakit, pang-uusig, at sa mga paghihirap alang-alang kay Kristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Diyos.

11Nagmukha na akong hangal, ngunit kayo na rin ang nagtulak sa akin na maging ganito. Dapat sanaʼy pinuri ninyo ako, dahil hindi naman ako nahuhuli sa mga “magagaling” na mga apostol na ʼyan, kahit na wala akong halaga.

12Pinatunayan ko sa inyong akoʼy tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala, kababalaghan, at iba pang mga kamangha-manghang gawain.

13Kung ano ang mga ginawa ko diyan sa inyo, ganoon din ang ginawa ko sa ibang mga iglesya, maliban na lamang sa hindi ko paghingi ng tulong sa inyo. Kung sa inyoʼy isa itong pagkakamali, patawarin sana ninyo ako!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.