8Kailanman ay hindi kami gagawa ng labag sa katotohanan, kundi ang naaayon lamang sa katotohanan.
9Nagagalak kami kapag itinuturing kaming mahina at kayo naman ay matatag sa inyong pananampalataya. At ipinapanalangin namin na maging karapat-dapat kayo.
10Kaya nga isinusulat ko ito ngayon habang wala pa ako diyan, upang pagdating ko, hindi ko na kailangang maging marahas sa paggamit ng kapangyarihang ibinigay ng Panginoon sa akin. Sapagkat nais kong gamitin ang kapangyarihang ito para sa inyong ikabubuti at hindi sa inyong ikapapahamak.
11Bilang pangwakas, mga kapatid, maging magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at palakasin ninyo ang loob ng isaʼt isa. Magkaisa kayo at mamuhay nang mapayapa. Nang sa gayon, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.
12Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Kristo. Kinukumusta kayong lahat ng mga mananampalataya rito.