2 Mga Taga-Corinto 13

Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Kristo. Kinukumusta kayong lahat ng mga mananampalataya rito.

10Kaya nga isinusulat ko ito ngayon habang wala pa ako diyan, upang pagdating ko, hindi ko na kailangang maging marahas sa paggamit ng kapangyarihang ibinigay ng Panginoon sa akin. Sapagkat nais kong gamitin ang kapangyarihang ito para sa inyong ikabubuti at hindi sa inyong ikapapahamak.

11Bilang pangwakas, mga kapatid, maging magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at palakasin ninyo ang loob ng isaʼt isa. Magkaisa kayo at mamuhay nang mapayapa. Nang sa gayon, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.

12Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Kristo. Kinukumusta kayong lahat ng mga mananampalataya rito.

13Sumainyo nawang lahat ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.