9At ito nga ang dahilan ng pagsulat ko sa inyo, dahil gusto kong subukin kung sinusunod ninyong mabuti ang lahat ng bilin ko.
10Kung pinatawad na ninyo ang taong nagkasala, pinatawad ko na rin siya. At kung nagpatawad man ako, saksi si Kristo na ginawa ko iyon alang-alang sa inyo.
11Hindi tayo dapat malamangan ni Satanas. Sapagkat alam naman natin ang mga pakana niya.
12Noong dumating ako sa Troas para ipangaral ang Magandang Balita tungkol kay Kristo, binigyan ako ng Panginoon ng magandang pagkakataon na magawa iyon.
13Subalit hindi ako mapalagay dahil hindi ko nakita roon ang kapatid nating si Tito. Kaya nagpaalam ako sa mga mananampalataya roon at pumunta sa Macedonia.