2 Mga Taga-Corinto 2

At ito nga ang dahilan ng pagsulat ko sa inyo, dahil gusto kong subukin kung sinusunod ninyong mabuti ang lahat ng bilin ko.

2 Corinthians 2:9 (UKJV) In order to this end also did I write, that I might know the proof of you, whether all of you be obedient in all things.

7Kaya patawarin na ninyo siya at patatagin, dahil baka maging labis ang kanyang hinagpis at tuluyang panghinaan ng loob.

8Nakikiusap ako na ipakita ninyo sa kanya na mahal nʼyo pa rin siya.

9At ito nga ang dahilan ng pagsulat ko sa inyo, dahil gusto kong subukin kung sinusunod ninyong mabuti ang lahat ng bilin ko.

10Kung pinatawad na ninyo ang taong nagkasala, pinatawad ko na rin siya. At kung nagpatawad man ako, saksi si Kristo na ginawa ko iyon alang-alang sa inyo.

11Hindi tayo dapat malamangan ni Satanas. Sapagkat alam naman natin ang mga pakana niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.