2 Mga Taga-Corinto 2

Kaya patawarin na ninyo siya at patatagin, dahil baka maging labis ang kanyang hinagpis at tuluyang panghinaan ng loob.

2 Corinthians 2:7 (UKJV) So that contrariwise all of you ought rather to forgive him, and comfort him, lest perhaps such a one should be swallowed up with overmuch sorrow.

5Ngayon, tungkol naman sa taong nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi lamang ako ang binigyan niya ng kalungkutan. Ayaw kong magmalabis, ngunit nagbigay din siya ng kalungkutan sa inyong lahat.

6Ngunit sapat na ang kaparusahang ibinigay ninyo sa kanya.

7Kaya patawarin na ninyo siya at patatagin, dahil baka maging labis ang kanyang hinagpis at tuluyang panghinaan ng loob.

8Nakikiusap ako na ipakita ninyo sa kanya na mahal nʼyo pa rin siya.

9At ito nga ang dahilan ng pagsulat ko sa inyo, dahil gusto kong subukin kung sinusunod ninyong mabuti ang lahat ng bilin ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.