2 Mga Taga-Corinto 2

Ngayon, tungkol naman sa taong nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi lamang ako ang binigyan niya ng kalungkutan. Ayaw kong magmalabis, ngunit nagbigay din siya ng kalungkutan sa inyong lahat.

2 Corinthians 2:5 (UKJV) But if any have caused grief, he has not grieved me, but in part: that I may not burden you all.

3Iyan ang dahilan kung bakit sumulat ako sa inyo noon. Ayaw kong sa pagpunta ko diyan ay maging malungkot ang mga taong dapat sanaʼy magpapaligaya sa akin. At natitiyak kong ang kaligayahan ko ay kaligayahan din ninyong lahat.

4Sumulat ako noon sa inyo kalakip ang matinding lungkot at pag-aalala na may kasamang pagluha, hindi upang maghinagpis kayo kundi dahil nais kong ipakita kung gaano ko kayo kamahal.

5Ngayon, tungkol naman sa taong nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi lamang ako ang binigyan niya ng kalungkutan. Ayaw kong magmalabis, ngunit nagbigay din siya ng kalungkutan sa inyong lahat.

6Ngunit sapat na ang kaparusahang ibinigay ninyo sa kanya.

7Kaya patawarin na ninyo siya at patatagin, dahil baka maging labis ang kanyang hinagpis at tuluyang panghinaan ng loob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.