2 Mga Taga-Corinto 2

Ngunit sapat na ang kaparusahang ibinigay ninyo sa kanya.

2 Corinthians 2:6 (UKJV) Sufficient to such a man is this punishment, which was inflicted of many.

4Sumulat ako noon sa inyo kalakip ang matinding lungkot at pag-aalala na may kasamang pagluha, hindi upang maghinagpis kayo kundi dahil nais kong ipakita kung gaano ko kayo kamahal.

5Ngayon, tungkol naman sa taong nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi lamang ako ang binigyan niya ng kalungkutan. Ayaw kong magmalabis, ngunit nagbigay din siya ng kalungkutan sa inyong lahat.

6Ngunit sapat na ang kaparusahang ibinigay ninyo sa kanya.

7Kaya patawarin na ninyo siya at patatagin, dahil baka maging labis ang kanyang hinagpis at tuluyang panghinaan ng loob.

8Nakikiusap ako na ipakita ninyo sa kanya na mahal nʼyo pa rin siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.