1Naisip kong huwag na munang pumunta dʼyan kung makapagdudulot lang naman ng kalungkutan ang pagdalaw ko sa inyo.
2Kayo lang ang nagpapasaya sa akin. Ngunit kung magiging malungkot kayo nang dahil sa akin, papaano pa ninyo ako mapapasaya?
3Iyan ang dahilan kung bakit sumulat ako sa inyo noon. Ayaw kong sa pagpunta ko diyan ay maging malungkot ang mga taong dapat sanaʼy magpapaligaya sa akin. At natitiyak kong ang kaligayahan ko ay kaligayahan din ninyong lahat.
4Sumulat ako noon sa inyo kalakip ang matinding lungkot at pag-aalala na may kasamang pagluha, hindi upang maghinagpis kayo kundi dahil nais kong ipakita kung gaano ko kayo kamahal.
5Ngayon, tungkol naman sa taong nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi lamang ako ang binigyan niya ng kalungkutan. Ayaw kong magmalabis, ngunit nagbigay din siya ng kalungkutan sa inyong lahat.