2 Mga Taga-Corinto 2

Sa mga napapahamak, itoʼy alingasaw na nagdadala ng kamatayan, ngunit sa mga naliligtas, itoʼy halimuyak na nagbibigay ng buhay. Sino ang may kakayahang gumawa ng mga bagay na ito?

2 Corinthians 2:16 (UKJV) To the one we are the savour of death unto death; and to the other the savour of life unto life. And who is sufficient for these things?

14Ngunit salamat sa Diyos dahil palagi siyang nangunguna sa ating parada ng tagumpay dahil tayoʼy nakay Kristo. At ngayon ginagamit kami ng Diyos para ipakilala si Kristo sa mga tao. Itoʼy ipinapalaganap namin na parang halimuyak ng pabango.

15Sapagkat kamiʼy mabangong handog na iniaalay ni Kristo sa Diyos, at naaamoy ng mga taong naliligtas at ng napapahamak.

16Sa mga napapahamak, itoʼy alingasaw na nagdadala ng kamatayan, ngunit sa mga naliligtas, itoʼy halimuyak na nagbibigay ng buhay. Sino ang may kakayahang gumawa ng mga bagay na ito?

17Hindi kami tulad ng marami diyan na ginagawang negosyo ang salita ng Diyos upang magkapera. Alam naming nakikita kami ng Diyos, kaya bilang mga mananampalataya ni Kristo at sugo ng Diyos, tapat naming ipinapangaral ang kanyang salita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.