2 Mga Taga-Corinto 3

Baka sabihin ninyong pinupuri na naman namin ang aming mga sarili. Hindi kami katulad ng iba diyan na kailangan ang sulat ng rekomendasyon para sa inyo o galing sa inyo.

2 Corinthians 3:1 (UKJV) Do we begin again to commend ourselves? or need we, as some others, epistles of commendation to you, or letters of commendation from you?

1Baka sabihin ninyong pinupuri na naman namin ang aming mga sarili. Hindi kami katulad ng iba diyan na kailangan ang sulat ng rekomendasyon para sa inyo o galing sa inyo.

2Kayo na mismo ang rekomendasyong nakasulat sa aming mga puso, dahil ang pamumuhay ninyo ay nakikita at nababasa ng lahat.

3Malinaw na ang buhay nʼyo ay parang isang sulat mula kay Kristo na isinulat sa pamamagitan ng aming paglilingkod. Hindi tinta ang ipinansulat nito kundi ang Espiritu ng Diyos na buháy. At hindi rin ito isinulat sa malalapad na bato, kundi sa puso ng mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.