1Baka sabihin ninyong pinupuri na naman namin ang aming mga sarili. Hindi kami katulad ng iba diyan na kailangan ang sulat ng rekomendasyon para sa inyo o galing sa inyo.
2Kayo na mismo ang rekomendasyong nakasulat sa aming mga puso, dahil ang pamumuhay ninyo ay nakikita at nababasa ng lahat.
3Malinaw na ang buhay nʼyo ay parang isang sulat mula kay Kristo na isinulat sa pamamagitan ng aming paglilingkod. Hindi tinta ang ipinansulat nito kundi ang Espiritu ng Diyos na buháy. At hindi rin ito isinulat sa malalapad na bato, kundi sa puso ng mga tao.
4Panatag naming nasasabi ang mga ito dahil sa aming pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo.