14Ang totoo, hindi naintindihan ng mga Israelita ang kahulugan nito noon dahil may tabing sa kanilang isipan. At kahit ngayon, may nakatakip pa rin sa kanilang isipan habang binabasa nila ang lumang tipan. At maaalis lamang ito kapag ang isang taoʼy nakay Kristo.
15Totoong hanggang ngayon ay may nakatakip sa kanilang isipan habang binabasa nila ang mga isinulat ni Moises.
16Ngunit kung lalapit ang tao sa Panginoon, maaalis ang takip sa kanyang isipan.
17Ngayon, ang binabanggit ditong Panginoon ay ang Espiritu, at kung ang Espiritu ng Panginoon ay nasa isang tao, malaya na siya.
18At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya.