4Panatag naming nasasabi ang mga ito dahil sa aming pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo.
5Kung sa aming sarili lamang, wala kaming sapat na kakayahang gawin ito. Lahat ng aming kakayahan ay mula sa Diyos.
6Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahang maipahayag ang kanyang bagong tipan. At ang bagong tipan na ito ay hindi ayon sa nakasulat na kautusan kundi ayon sa Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay.
7Noong ibinigay kay Moises ang Kautusang nakasulat sa malalapad na bato, ipinakita ang kaluwalhatian ng Diyos, kaya nga hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises dahil nasisilaw sila, kahit pansamantala lamang iyon. Ngayon, kung ang pamamaraang ayon sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan ay may dalang kaluwalhatian,
8hindi baʼt mas higit pa ang kaluwalhatiang ipapakita sa pamamagitan ng Espiritu?