2 Mga Taga-Corinto 3

Noong ibinigay kay Moises ang Kautusang nakasulat sa malalapad na bato, ipinakita ang kaluwalhatian ng Diyos, kaya nga hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises dahil nasisilaw sila, kahit pansamantala lamang iyon. Ngayon, kung ang pamamaraang ayon sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan ay may dalang kaluwalhatian,

2 Corinthians 3:7 (UKJV) But if the ministration of death, written and engraved in stones, was glorious, so that the children of Israel could not steadfastly behold the face of Moses for the glory of his countenance; which glory was to be done away:

5Kung sa aming sarili lamang, wala kaming sapat na kakayahang gawin ito. Lahat ng aming kakayahan ay mula sa Diyos.

6Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahang maipahayag ang kanyang bagong tipan. At ang bagong tipan na ito ay hindi ayon sa nakasulat na kautusan kundi ayon sa Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay.

7Noong ibinigay kay Moises ang Kautusang nakasulat sa malalapad na bato, ipinakita ang kaluwalhatian ng Diyos, kaya nga hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises dahil nasisilaw sila, kahit pansamantala lamang iyon. Ngayon, kung ang pamamaraang ayon sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan ay may dalang kaluwalhatian,

8hindi baʼt mas higit pa ang kaluwalhatiang ipapakita sa pamamagitan ng Espiritu?

9Kung may dalang kaluwalhatian ang pamamaraang ayon sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan, higit pa ang kaluwalhatian ng pamamaraang ayon sa pagpapawalang-sala sa mga tao!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.