2 Mga Taga-Corinto 3

Kung may dalang kaluwalhatian ang pamamaraang ayon sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan, higit pa ang kaluwalhatian ng pamamaraang ayon sa pagpapawalang-sala sa mga tao!

2 Corinthians 3:9 (UKJV) For if the ministration of condemnation be glory, much more does the ministration of righteousness exceed in glory.

7Noong ibinigay kay Moises ang Kautusang nakasulat sa malalapad na bato, ipinakita ang kaluwalhatian ng Diyos, kaya nga hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises dahil nasisilaw sila, kahit pansamantala lamang iyon. Ngayon, kung ang pamamaraang ayon sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan ay may dalang kaluwalhatian,

8hindi baʼt mas higit pa ang kaluwalhatiang ipapakita sa pamamagitan ng Espiritu?

9Kung may dalang kaluwalhatian ang pamamaraang ayon sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan, higit pa ang kaluwalhatian ng pamamaraang ayon sa pagpapawalang-sala sa mga tao!

10Ang totoo, balewala na ang kaluwalhatian ng dati kung ihahambing sa nahihigit na kaluwalhatian ng bago.

11Kung may dalang kaluwalhatian ang pamamaraang pansamantala lamang, higit pa ang kaluwalhatian ng pamamaraang nananatili magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.