8hindi baʼt mas higit pa ang kaluwalhatiang ipapakita sa pamamagitan ng Espiritu?
9Kung may dalang kaluwalhatian ang pamamaraang ayon sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan, higit pa ang kaluwalhatian ng pamamaraang ayon sa pagpapawalang-sala sa mga tao!
10Ang totoo, balewala na ang kaluwalhatian ng dati kung ihahambing sa nahihigit na kaluwalhatian ng bago.
11Kung may dalang kaluwalhatian ang pamamaraang pansamantala lamang, higit pa ang kaluwalhatian ng pamamaraang nananatili magpakailanman.
12At dahil sa pag-asa naming ito, malakas ang aming loob na ipahayag ang salita ng Diyos.