2 Mga Taga-Corinto 3

At dahil sa pag-asa naming ito, malakas ang aming loob na ipahayag ang salita ng Diyos.

2 Corinthians 3:12 (UKJV) Seeing then that we have such hope, we use great plainness of speech:

10Ang totoo, balewala na ang kaluwalhatian ng dati kung ihahambing sa nahihigit na kaluwalhatian ng bago.

11Kung may dalang kaluwalhatian ang pamamaraang pansamantala lamang, higit pa ang kaluwalhatian ng pamamaraang nananatili magpakailanman.

12At dahil sa pag-asa naming ito, malakas ang aming loob na ipahayag ang salita ng Diyos.

13Hindi kami tulad ni Moises na nagtakip ng mukha upang hindi makita ng mga Israelita ang kaluwalhatiang nakatakdang maglaho.

14Ang totoo, hindi naintindihan ng mga Israelita ang kahulugan nito noon dahil may tabing sa kanilang isipan. At kahit ngayon, may nakatakip pa rin sa kanilang isipan habang binabasa nila ang lumang tipan. At maaalis lamang ito kapag ang isang taoʼy nakay Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.