2 Mga Taga-Corinto 5

Hindi dahil sa ipinagmamalaki na naman namin ang aming sarili, kundi dahil gusto namin na may maipagmalaki kayo tungkol sa amin, upang may maisagot kayo sa mga taong pumupuri lamang sa mga bagay na panlabas, at hindi sa nilalaman ng puso.

2 Corinthians 5:12 (UKJV) For we commend not ourselves again unto you, but give you occasion to glory on our behalf, that all of you may have somewhat to answer them which glory in appearance, and not in heart.

10Sapagkat haharap tayong lahat kay Kristo upang hatulan. Tatanggapin ng bawat isa ang nararapat na kabayaran sa kanyang mga ginawa, mabuti man o masama, nang nabubuhay pa siya sa mundong ito.

11Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, ginagawa namin ang lahat upang mahikayat ang mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay naming pagkatao, at umaasa akong alam din ninyo ito.

12Hindi dahil sa ipinagmamalaki na naman namin ang aming sarili, kundi dahil gusto namin na may maipagmalaki kayo tungkol sa amin, upang may maisagot kayo sa mga taong pumupuri lamang sa mga bagay na panlabas, at hindi sa nilalaman ng puso.

13Kung magmukha man kaming nasisiraan ng bait, itoʼy para sa Diyos. At kung kami naman ay matino, itoʼy para sa inyong kapakanan.

14Sapagkat ang pag-ibig ni Kristo ang siyang nag-uudyok sa amin na sundin ang kanyang kalooban. Kumbinsido kami na namatay si Kristo para sa lahat, kaya maituturing din na namatay ang lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.