2 Mga Taga-Corinto 5

Kung magmukha man kaming nasisiraan ng bait, itoʼy para sa Diyos. At kung kami naman ay matino, itoʼy para sa inyong kapakanan.

2 Corinthians 5:13 (UKJV) For whether we be beside ourselves, it is to God: or whether we be sober, it is for your cause.

11Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, ginagawa namin ang lahat upang mahikayat ang mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay naming pagkatao, at umaasa akong alam din ninyo ito.

12Hindi dahil sa ipinagmamalaki na naman namin ang aming sarili, kundi dahil gusto namin na may maipagmalaki kayo tungkol sa amin, upang may maisagot kayo sa mga taong pumupuri lamang sa mga bagay na panlabas, at hindi sa nilalaman ng puso.

13Kung magmukha man kaming nasisiraan ng bait, itoʼy para sa Diyos. At kung kami naman ay matino, itoʼy para sa inyong kapakanan.

14Sapagkat ang pag-ibig ni Kristo ang siyang nag-uudyok sa amin na sundin ang kanyang kalooban. Kumbinsido kami na namatay si Kristo para sa lahat, kaya maituturing din na namatay ang lahat.

15Namatay siya para sa lahat, upang ang lahat ng nabubuhay ngayon ay hindi na mamumuhay para sa sarili, kundi para sa kanya na namatay at nabuhay para sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.