2Samantala, dumaraing tayo ngayon sa ating katawang panlupa at nananabik madamitan ng ating katawang panlangit.
3Sapagkat kapag nadamitan tayo nito, hindi tayo matatagpuang hubad.
4Habang gamit pa natin ang ating katawang panlupa, dumadaing tayo at nahihirapan, hindi dahil sa gusto na nating mamatay kundi dahil sa gusto na nating magkaroon ng bagong katawan. Sa ganitong paraan, mapapalitan na ang katawan nating namamatay ng hindi namamatay.
5Ang Diyos na rin ang siyang naghanda sa atin para tanggapin natin ang bagong katawan, at bilang katiyakan, ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu.
6Kaya panatag ang aming kalooban, kahit na alam naming habang nabubuhay pa tayo sa ating katawan ay wala pa tayo sa tahanan ng Panginoon.