7Sapagkat namumuhay tayo sa pananampalataya at hindi ayon sa mga bagay na nakikita.
8Hindi kami pinanghihinaan ng loob, kahit na mas gusto naming iwanan ang aming katawan at makapiling na ang Panginoon.
9Kaya naman, sinisikap naming malugod ang Diyos sa amin, maging dito man o sa piling na niya.
10Sapagkat haharap tayong lahat kay Kristo upang hatulan. Tatanggapin ng bawat isa ang nararapat na kabayaran sa kanyang mga ginawa, mabuti man o masama, nang nabubuhay pa siya sa mundong ito.
11Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, ginagawa namin ang lahat upang mahikayat ang mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay naming pagkatao, at umaasa akong alam din ninyo ito.