5Ang Diyos na rin ang siyang naghanda sa atin para tanggapin natin ang bagong katawan, at bilang katiyakan, ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu.
6Kaya panatag ang aming kalooban, kahit na alam naming habang nabubuhay pa tayo sa ating katawan ay wala pa tayo sa tahanan ng Panginoon.
7Sapagkat namumuhay tayo sa pananampalataya at hindi ayon sa mga bagay na nakikita.
8Hindi kami pinanghihinaan ng loob, kahit na mas gusto naming iwanan ang aming katawan at makapiling na ang Panginoon.
9Kaya naman, sinisikap naming malugod ang Diyos sa amin, maging dito man o sa piling na niya.