14Huwag kayong makisama sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim, hindi rin sila maaaring magsama.
15At kung paanong hindi magkasundo si Kristo at si Satanas, ganoon din naman ang mananampalataya at ang hindi mananampalataya.
16Hindi maaaring magsama ang mga diyos-diyosan at ang Diyos sa iisang templo. At tayo ang Templo ng Diyos na buháy! Gaya ng sinabi ng Diyos, “Mananahan akoʼt mamumuhay sa kanilang piling. Akoʼy magiging Diyos nila, at silaʼy magiging mga taong sakop ko.”
17“Kaya lumayo kayo at humiwalay sa kanila. Layuan ninyo ang itinuring na marumi at tatanggapin ko kayo.”
18“At akoʼy magiging Ama ninyo, at kayo namaʼy magiging mga anak ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”