2 Mga Taga-Corinto 6

“At akoʼy magiging Ama ninyo, at kayo namaʼy magiging mga anak ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

2 Corinthians 6:18 (UKJV) And will be a Father unto you, and all of you shall be my sons and daughters, says the Lord Almighty.

16Hindi maaaring magsama ang mga diyos-diyosan at ang Diyos sa iisang templo. At tayo ang Templo ng Diyos na buháy! Gaya ng sinabi ng Diyos, “Mananahan akoʼt mamumuhay sa kanilang piling. Akoʼy magiging Diyos nila, at silaʼy magiging mga taong sakop ko.”

17“Kaya lumayo kayo at humiwalay sa kanila. Layuan ninyo ang itinuring na marumi at tatanggapin ko kayo.”

18“At akoʼy magiging Ama ninyo, at kayo namaʼy magiging mga anak ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.