2 Mga Taga-Corinto 8

Kasama nila sa pagpunta dʼyan ang isa pang kapatid, na subok na namin sa maraming bagay at nakita namin ang kanyang sigasig sa pagtulong. At higit pa nga ang kanyang sigasig ngayon, dahil napakalaki ng tiwala niya sa inyo.

2 Corinthians 8:22 (UKJV) And we have sent with them our brother, whom we have oftentimes proved diligent in many things, but now much more diligent, upon the great confidence which I have in you.

20Nais naming maiwasang may masabi ang iba tungkol sa pangangasiwa namin sa malaking tulong na ito.

21Sapagkat sinisikap naming gawin ang tama, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi maging sa paningin ng tao.

22Kasama nila sa pagpunta dʼyan ang isa pang kapatid, na subok na namin sa maraming bagay at nakita namin ang kanyang sigasig sa pagtulong. At higit pa nga ang kanyang sigasig ngayon, dahil napakalaki ng tiwala niya sa inyo.

23Tungkol naman kay Tito, siya ang kasama at katulong ko sa aking mga gawain diyan sa inyo. Tungkol naman sa ibang mga kapatid, sila ang mga kinatawan ng mga iglesya. Ang kanilang pamumuhay ay isang karangalan para kay Kristo.

24Kaya ipakita ninyo sa kanila ang inyong pagmamahal upang mapatunayan nilang totoo ang pagmamalaki namin sa inyo, at sa gayoʼy malaman din ito ng ibang iglesya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.