2 Mga Taga-Corinto 9

Kaya nga naisip kong paunahin ang mga kapatid na ito sa akin upang habang hindi pa ako nakakarating ay malikom na ang inyong mga ipinangakong tulong. At sa ganitong paraan, makikita ng mga tao na kusang-loob ang inyong pagbibigay, at hindi dahil napilitan lamang.

2 Corinthians 9:5 (UKJV) Therefore I thought it necessary to exhort the brethren, that they would go before unto you, and make up beforehand your bounty, whereof all of you had notice before, that the same might be ready, as a matter of bounty, and not as of covetousness.

3Kaya nga pinauna ko na diyan sina Tito, upang matiyak na handa na kayo sa inyong tulong gaya ng ipinagmalaki ko sa mga taga-Macedonia. Sa ganoon, hindi nila masasabing walang kuwenta ang pagmamalaki namin tungkol sa inyo.

4Sapagkat kung dumating ako diyan kasama ang ilang mga taga-Macedonia at makita nilang hindi pa pala kayo handa sa inyong ibibigay gaya ng sinabi ko sa kanila, mapapahiya ako at pati na rin kayo.

5Kaya nga naisip kong paunahin ang mga kapatid na ito sa akin upang habang hindi pa ako nakakarating ay malikom na ang inyong mga ipinangakong tulong. At sa ganitong paraan, makikita ng mga tao na kusang-loob ang inyong pagbibigay, at hindi dahil napilitan lamang.

6Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami.

7Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Diyos ang mga nagbibigay nang may kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.