2 Mga Taga-Corinto 9

Sapagkat kung dumating ako diyan kasama ang ilang mga taga-Macedonia at makita nilang hindi pa pala kayo handa sa inyong ibibigay gaya ng sinabi ko sa kanila, mapapahiya ako at pati na rin kayo.

2 Corinthians 9:4 (UKJV) Lest lest by any means if they of Macedonia come with me, and find you unprepared, we (that we say not, all of you) should be ashamed in this same confident boasting.

2dahil alam ko namang gustong-gusto ninyong tumulong. Ipinagmamalaki ko pa nga ito sa mga taga-Macedonia. Sinabi ko sa kanila na mula pa noong nakaraang taon, kayong mga taga-Acaya ay handa nang magbigay ng tulong, at ito nga ang nagtulak sa karamihan sa kanila na magbigay din.

3Kaya nga pinauna ko na diyan sina Tito, upang matiyak na handa na kayo sa inyong tulong gaya ng ipinagmalaki ko sa mga taga-Macedonia. Sa ganoon, hindi nila masasabing walang kuwenta ang pagmamalaki namin tungkol sa inyo.

4Sapagkat kung dumating ako diyan kasama ang ilang mga taga-Macedonia at makita nilang hindi pa pala kayo handa sa inyong ibibigay gaya ng sinabi ko sa kanila, mapapahiya ako at pati na rin kayo.

5Kaya nga naisip kong paunahin ang mga kapatid na ito sa akin upang habang hindi pa ako nakakarating ay malikom na ang inyong mga ipinangakong tulong. At sa ganitong paraan, makikita ng mga tao na kusang-loob ang inyong pagbibigay, at hindi dahil napilitan lamang.

6Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.