2 Mga Taga-Corinto 9

dahil alam ko namang gustong-gusto ninyong tumulong. Ipinagmamalaki ko pa nga ito sa mga taga-Macedonia. Sinabi ko sa kanila na mula pa noong nakaraang taon, kayong mga taga-Acaya ay handa nang magbigay ng tulong, at ito nga ang nagtulak sa karamihan sa kanila na magbigay din.

2 Corinthians 9:2 (UKJV) For I know the forwardness of your mind, for which I boast of you to them of Macedonia, that Achaia was ready a year ago; and your zeal has provoked very many.

1Hindi na kailangang sumulat pa ako sa inyo tungkol sa pagtulong sa mga hinirang ng Diyos,

2dahil alam ko namang gustong-gusto ninyong tumulong. Ipinagmamalaki ko pa nga ito sa mga taga-Macedonia. Sinabi ko sa kanila na mula pa noong nakaraang taon, kayong mga taga-Acaya ay handa nang magbigay ng tulong, at ito nga ang nagtulak sa karamihan sa kanila na magbigay din.

3Kaya nga pinauna ko na diyan sina Tito, upang matiyak na handa na kayo sa inyong tulong gaya ng ipinagmalaki ko sa mga taga-Macedonia. Sa ganoon, hindi nila masasabing walang kuwenta ang pagmamalaki namin tungkol sa inyo.

4Sapagkat kung dumating ako diyan kasama ang ilang mga taga-Macedonia at makita nilang hindi pa pala kayo handa sa inyong ibibigay gaya ng sinabi ko sa kanila, mapapahiya ako at pati na rin kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.