2 Juan 1

Makikita ang pag-ibig sa atin kung namumuhay tayo ayon sa mga utos ng Diyos. At tulad nang narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya, ang utos niya ay mamuhay tayo nang may pag-ibig.

2 John 1:6 (UKJV) And this is love, that we walk after his commandments. This is the commandment, That, as all of you have heard from the beginning, all of you should walk in it.

4Labis akong nagalak nang malaman kong ang ilan sa iyong mga anak ay namumuhay sa katotohanan, ayon sa iniutos sa atin ng Diyos Ama.

5Kaya Ginang, hinihiling ko sa iyo ngayon: Magmahalan tayong lahat. Hindi bago ang utos na ito kundi dati nang ibinigay ito sa atin noong nagsisimula pa lang tayo sa pananampalataya.

6Makikita ang pag-ibig sa atin kung namumuhay tayo ayon sa mga utos ng Diyos. At tulad nang narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya, ang utos niya ay mamuhay tayo nang may pag-ibig.

7Sinasabi ko ito sapagkat maraming manloloko ang naglipana sa mundo. Sila ang mga taong hindi kumikilala na si Hesu-Kristo ay dumating bilang tao. Ang ganitong mga tao ay manloloko at anti-Kristo.

8Mag-ingat kayo upang hindi mawala ang aming pinaghirapan; sa halip ay matanggap ninyo ang buong gantimpala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.