16Pagdating ni Elias sa hari, sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Wala bang Diyos sa Israel na mapagtatanungan mo kaya nagsugo ka ng mga mensahero para sumangguni kay Baal-zebub na diyos ng Ekron? Dahil sa ginawa mo, hindi ka na makakabangon sa iyong higaan. Tiyak na mamamatay ka!”
17Namatay nga ang hari ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias. Dahil walang anak na lalaki si Ahazias, si Joram na kapatid niya ang pumalit sa kanya bilang hari. Naghari si Joram noong ikalawang taon ng paghahari ni Jehoram na anak ni Haring Jehoshafat ng Juda.
18Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Ahazias ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.