1Nang mamatay si Ahab, nagrebelde ang Moab sa Israel.
2Si Ahazias naman ay nahulog mula sa bintanang may rehas sa itaas na kuwarto niya sa Samaria, at lubha siyang napinsala. Kaya nagsugo siya ng mga mensahero, sinabi niya, “Pumunta kayo kay Baal-zebub, ang diyos ng Ekron, at alamin ninyo kung gagaling pa ako sa aking kalagayan.”
3Samantala, sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na taga-Tisbe, “Salubungin mo ang mga mensahero ng hari ng Samaria at tanungin mo sila: ‘Bakit kayo pupunta kay Baal-zebub na diyos ng Ekron para isangguni kung gagaling pa ang hari? Wala na bang Diyos sa Israel?’
4Kaya ngayon, ito ang sinasabi ng Panginoon, ‘Hindi ka na makakabangon sa higaan mo. Tiyak na mamamatay ka!’ ” Pagkatapos, umalis na si Elias.