2 Mga Hari 1

Samantala, sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na taga-Tisbe, “Salubungin mo ang mga mensahero ng hari ng Samaria at tanungin mo sila: ‘Bakit kayo pupunta kay Baal-zebub na diyos ng Ekron para isangguni kung gagaling pa ang hari? Wala na bang Diyos sa Israel?’

2 Kings 1:3 (UKJV) But the angel of the LORD said to Elijah the Tishbite, Arise, go up to meet the messengers of the king of Samaria, and say unto them, Is it not because there is not a God in Israel, that all of you go to enquire of Baalzebub the god of Ekron?

1Nang mamatay si Ahab, nagrebelde ang Moab sa Israel.

2Si Ahazias naman ay nahulog mula sa bintanang may rehas sa itaas na kuwarto niya sa Samaria, at lubha siyang napinsala. Kaya nagsugo siya ng mga mensahero, sinabi niya, “Pumunta kayo kay Baal-zebub, ang diyos ng Ekron, at alamin ninyo kung gagaling pa ako sa aking kalagayan.”

3Samantala, sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na taga-Tisbe, “Salubungin mo ang mga mensahero ng hari ng Samaria at tanungin mo sila: ‘Bakit kayo pupunta kay Baal-zebub na diyos ng Ekron para isangguni kung gagaling pa ang hari? Wala na bang Diyos sa Israel?’

4Kaya ngayon, ito ang sinasabi ng Panginoon, ‘Hindi ka na makakabangon sa higaan mo. Tiyak na mamamatay ka!’ ” Pagkatapos, umalis na si Elias.

5Nang bumalik na ang mga mensahero sa hari, tinanong niya sila, “Bakit kayo bumalik?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.