5Nang bumalik na ang mga mensahero sa hari, tinanong niya sila, “Bakit kayo bumalik?”
6Sumagot sila, “Sinalubong po kami ng isang tao at sinabi niya, ‘Bumalik kayo sa hari at sabihin ninyo ang sinabi ng Panginoon: Wala na bang Diyos sa Israel kaya nagpadala ka ng mga taong sasangguni kay Baal-zebub na diyos ng Ekron para tanungin kung ikaw ay gagaling? Dahil sa ginawa mo, hindi ka na makakabangon sa higaan mo. Tiyak na mamamatay ka!’ ”
7Tinanong sila ng hari, “Ano ang itsura ng taong sumalubong at nagsabi nito sa inyo?”
8Sumagot sila, “Nakasuot po siya ng damit na yari sa balahibo ng hayop at nakasinturon ng yari sa balat.” Sinabi ng hari, “Si Elias iyon na taga-Tisbe.”
9Pagkatapos, pinapunta ng hari ang isang opisyal, kasama ang limampung tauhan nito kay Elias. Umakyat ang opisyal sa ibabaw ng burol kung saan nakaupo si Elias, at sinabi niya, “Lingkod ng Diyos, sinabi ng hari na pumunta ka sa kanya.”