2 Mga Hari 1

Pagkatapos, pinapunta ng hari ang isang opisyal, kasama ang limampung tauhan nito kay Elias. Umakyat ang opisyal sa ibabaw ng burol kung saan nakaupo si Elias, at sinabi niya, “Lingkod ng Diyos, sinabi ng hari na pumunta ka sa kanya.”

2 Kings 1:9 (UKJV) Then the king sent unto him a captain of fifty with his fifty. And he went up to him: and, behold, he sat on the top of an hill. And he spoke unto him, You man of God, the king has said, Come down.

7Tinanong sila ng hari, “Ano ang itsura ng taong sumalubong at nagsabi nito sa inyo?”

8Sumagot sila, “Nakasuot po siya ng damit na yari sa balahibo ng hayop at nakasinturon ng yari sa balat.” Sinabi ng hari, “Si Elias iyon na taga-Tisbe.”

9Pagkatapos, pinapunta ng hari ang isang opisyal, kasama ang limampung tauhan nito kay Elias. Umakyat ang opisyal sa ibabaw ng burol kung saan nakaupo si Elias, at sinabi niya, “Lingkod ng Diyos, sinabi ng hari na pumunta ka sa kanya.”

10Sumagot si Elias sa opisyal, “Kung lingkod nga ako ng Diyos, umulan sana ng apoy mula sa langit at sunugin ka pati ang limampung tauhan mo!” Dumating nga ang apoy at nasunog ang opisyal at ang limampung tauhan niya.

11Muling nagsugo ang hari ng isang opisyal kasama ang limampung tauhan. Sinabi ng opisyal kay Elias, “Lingkod ng Diyos, nais po ng hari na pumunta agad kayo sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.