22Sinabi ni Jehu sa nangangasiwa ng espesyal na kasuotan, “Ipasuot mo ito sa bawat isa na sasamba kay Baal.” Kaya binigyan niya ng damit ang mga ito.
23Pagkatapos, pumasok si Jehu at ang anak ni Recab na si Jonadab sa templo ni Baal. Sinabi ni Jehu sa mga naglilingkod kay Baal, “Tiyakin ninyo na walang sumasamba sa Panginoon na napasama sa inyo. Kayo lang na mga sumasamba kay Baal ang dapat na nandito.”
24Nang nandoon sila sa loob ng Templo, nag-alay sila ng mga handog na sinusunog at ng iba panghandog. Naglagay si Jehu ng walumpong tauhan niya sa labas ng Templo, at binilinan sila, “Ibinigay ko sila sa inyong mga kamay para patayin. Huwag ninyong hayaang may makatakas na kahit isa sa kanila, kung hindi, buhay ninyo ang katapat.”
25Matapos ialay ni Jehu ang mga handog na sinusunog, inutusan niya ang mga guwardiya at mga opisyal, “Pumasok kayo at patayin ninyo ang mga sumasamba kay Baal! Huwag ninyong hayaang may makatakas sa kanila!” Kaya pinatay nila ang mga ito sa pamamagitan ng espada at itinapon ang mga bangkay nila sa labas. Pagkatapos, pumasok sila sa pinakaloob na bahagi ng templo ni Baal.
26Inilabas nila ang batong imahen ni Baal at doon sinunog.