2 Mga Hari 10

Matapos ialay ni Jehu ang mga handog na sinusunog, inutusan niya ang mga guwardiya at mga opisyal, “Pumasok kayo at patayin ninyo ang mga sumasamba kay Baal! Huwag ninyong hayaang may makatakas sa kanila!” Kaya pinatay nila ang mga ito sa pamamagitan ng espada at itinapon ang mga bangkay nila sa labas. Pagkatapos, pumasok sila sa pinakaloob na bahagi ng templo ni Baal.

2 Kings 10:25 (UKJV) And it came to pass, as soon as he had made an end of offering the burnt offering, that Jehu said to the guard and to the captains, Go in, and slay them; let none come forth. And they stroke them with the edge of the sword; and the guard and the captains cast them out, and went to the city of the house of Baal.

23Pagkatapos, pumasok si Jehu at ang anak ni Recab na si Jonadab sa templo ni Baal. Sinabi ni Jehu sa mga naglilingkod kay Baal, “Tiyakin ninyo na walang sumasamba sa Panginoon na napasama sa inyo. Kayo lang na mga sumasamba kay Baal ang dapat na nandito.”

24Nang nandoon sila sa loob ng Templo, nag-alay sila ng mga handog na sinusunog at ng iba panghandog. Naglagay si Jehu ng walumpong tauhan niya sa labas ng Templo, at binilinan sila, “Ibinigay ko sila sa inyong mga kamay para patayin. Huwag ninyong hayaang may makatakas na kahit isa sa kanila, kung hindi, buhay ninyo ang katapat.”

25Matapos ialay ni Jehu ang mga handog na sinusunog, inutusan niya ang mga guwardiya at mga opisyal, “Pumasok kayo at patayin ninyo ang mga sumasamba kay Baal! Huwag ninyong hayaang may makatakas sa kanila!” Kaya pinatay nila ang mga ito sa pamamagitan ng espada at itinapon ang mga bangkay nila sa labas. Pagkatapos, pumasok sila sa pinakaloob na bahagi ng templo ni Baal.

26Inilabas nila ang batong imahen ni Baal at doon sinunog.

27Dinurog nila ang batong imahen ni Baal at giniba nila ang templo nito. Ginawa nila itong pampublikong palikuran hanggang ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.