25Matapos ialay ni Jehu ang mga handog na sinusunog, inutusan niya ang mga guwardiya at mga opisyal, “Pumasok kayo at patayin ninyo ang mga sumasamba kay Baal! Huwag ninyong hayaang may makatakas sa kanila!” Kaya pinatay nila ang mga ito sa pamamagitan ng espada at itinapon ang mga bangkay nila sa labas. Pagkatapos, pumasok sila sa pinakaloob na bahagi ng templo ni Baal.
26Inilabas nila ang batong imahen ni Baal at doon sinunog.
27Dinurog nila ang batong imahen ni Baal at giniba nila ang templo nito. Ginawa nila itong pampublikong palikuran hanggang ngayon.
28Sa ganitong paraan sinira ni Jehu ang pagsamba ng Israel kay Baal.
29Subalit sinunod pa rin niya ang mga kasalanan ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Ito ay ang pagsamba sa mga gintong baka sa Betel at Dan.