34Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehu, at ang lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
35Nang mamatay si Jehu, inilibing siya sa Samaria. At ang anak niyang si Joahaz ang pumalit sa kanya bilang hari.
36Naghari si Jehu sa Israel doon sa Samaria sa loob ng dalawampuʼt walong taon.