2 Mga Hari 11

Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias na hari ng Juda, nagpasya siyang patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng hari ng Juda.

2 Kings 11:1 (UKJV) And when Athaliah the mother of Ahaziah saw that her son was dead, she arose and destroyed all the seed royal.

1Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias na hari ng Juda, nagpasya siyang patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng hari ng Juda.

2Ngunit iniligtas ni Jehoseba ang anak ni Ahazias na si Joas nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosheba ay kapatid ni Ahazias at babaeng anak ni Haring Jehoram. Itinago niya si Joas at ang kanyang tagapag-alaga sa isang silid sa Templo, kaya hindi siya napatay ni Atalia.

3Sa loob ng anim na taon, doon nagtago sa Templo ng Panginoon si Joas at ang tagapag-alaga niya habang si Atalia ang namamahala sa kaharian at lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.